ROME (AFP) – Maaaring magkaroon ng seryosong epekto sa kalusugan ng publiko ang mga planong irasyon ang tubig sa Rome bunga ng matinding tagtuyot, babala ng health minister ng Italy nitong Miyerkules.

Nagpahayag ang Lazio region na maaaring walong oras na mawawalan ng supply ng tubig araw-araw ang mga pamayanan sa kabisera simula ngayong weekend bilang emergency measure sa tagtuyot.

Sinabi ni Health Minister Beatrice Lorenzin na maaaring maikompromiso ng hakbang ang “sanitary hygiene standards in accommodation structures and restaurants in the capital, as well as in all public offices. But above all it could lead to grave problems in providing essential health services.”

Dahil sa tagtuyot, nawalan ng 20 bilyong cubic metres ang tubig ang Italy ngayong taon – na katumbas ng Lake Como.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sampung rehiyon sa bansa ang nanawagan na magdeklara ng state of emergency matapos maranasan ng Italy ang ikalawang pinakatigang na tagsibol sa loob ng 60 taon at bumaba ang rainfall sa unang anim na buwan ng taon ng 33 porsiyento.