TIYAK na isa na namang matinding labanan sa basketball ang masasaksihan sa muling paghaharap ng teams nina Daniel Padilla at Gerald Anderson sa “Star Magic Oppo All-Star Game” na magaganap sa Araneta Coliseum sa Agosto 13.

Handog ng ABS-CBN Events at Star Events, tampok sa “All-Star Game” ang exhibition basketball match ng dalawang

koponan na kinabibilangan ng talents ng Star Magic na handa nang ipakita ang kanilang galing sa basketball.

Untitled-2 copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Muling magpapakitang gilas ang kampeon, ang Team Daniel na binubuo nina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Ronnie Alonte, Vin Abrenica, Zeus Collins, Anjo Damiles, Marco Gumabao, Patrick Sugui, Jon Lucas, Paolo Angeles, at ang hinirang na MVP ng nakaraang taon na si Axel Torres.

Handa na rin muli ang Team Gerald — binubuo nina Rayver Cruz, JC de Vera, Ejay Falcon, Jason Abalos, Matt Evans, Diego Loyzaga, Miko Raval, Young JV Kapunan, Jimboy Martin, Gerhard Acao, at Joe Vargas — na muling makalaban ang Team Daniel at agawin ang kanilang titulo ngayong taon.

Napabilang sa mythical five ng “All-Star Basketball Game: Kapamilya Playoffs” noong nakaraang taon sina Daniel at Gerald, kasama sina Axel, Young JV, at Ronnie.

Makabawi kaya ang Team Gerald o mananatili pa ring Team Daniel ang maghahari sa hard court? Sino kaya ang mapapabilang sa tanyag na mythical five ngayong taon?

Bukod sa bakbakan ng players, marami pang dapat abangan ang fans at supporters tulad ng mga palaro, sorpresang appearances at performances tampok ang iba pang Star Magic at Star Music artists sa half time.

Huwag palampasin ang star-studded basketball playoff sa Araneta Coliseum ngayong Agosto 13 (Linggo), 3 PM.

Siguraduhing makakuha ng tickets na nagkakahalagang P1,315 (courtside), P1,000 (patron), P790 (lower box), P420 (upper box), and P265 (general admission). Tawag na sa Ticketnet sa numerong 911-5555 o bisitahin ang ticketnet.com.ph.