Ni JIMI ESCALA
MAY mga nag-uudyok kay Roderick Paulate na tumakbo for mayor sa Quezon City sa susunod na eleksiyon. Pangatlong termino at last term na kasi ni Roderick bilang konsehal ng ikawalang distrito ng QC.
Ayaw niyang sagutin ang isyu, pero sigurado raw siya na tatakbo pa rin siya sa 2019 elections.
“Basta tatakbo pa rin tayo pero hindi pa natin alam kung ano ang tatakbuhin ko,” sabi ni Roderick.
Huling termino na rin ni Mayor Herbert Bautista na malakas ang ugong na tatakbo for congressman. Ang kanyang vice mayor na si Joy Belmonte ay kinukundisyon na para maging sunod na alkalde ng siyudad. Kaya hindi pa rin tumitigil ang bulung-bulungan na maaari niyang makalaban si Kris Aquino, nagiging three-way fight na ngayon sa pagpasok sa eksena ni Konsehal Paulate.
Ayon kay Roderick, masarap daw ang feeling na may mga kumukumbinsi sa kanya na tumakbo for mayor, pero sa ngayon daw ay kailangan muna niyang magtrabaho nang husto.
“Tapusin ko muna ‘yung two years at dapat din pinaplano ‘yun. Basta ang masasabi ko lang, I will still run pero hindi ko lang alam kung ano ang posisyon,” sabi uli ng actor/public servant.
Walang problema kay Dick ang isyung pagtakbo ni Kris Aquino for QC mayor.
“Well, p’wede naman talaga siyang tumakbo kung gusto niya. I think she’ll be a good leader also since she comes from a family of leaders. P’wedeng-p’wede si Kris. Kaya lang itong darating na eleksiyon is open, kaya marami talaga ang lalaban sa posisyon na ‘yan. Ang sa akin lang, thy will be done,” sey pa ni Roderick.