Ni: PNA
BAGAMAT marami ang umiinom ng alak para makalimutan ang problema, may bagong ebidensya na nagsasabing nakatutulong pa ito upang higit na maalala ang mga bagay nag-udyok sa pagpapakalango.
Binigyan ng mga mananaliksik ang mga participant, binubuo ng 88 social drinkers, ng isang word-learning task. Ang isang grupo ay pinayagang uminom ng alak hanggang apat na beses, habang ang isang grupo naman ay pinahintulutang uminom hanggang sa malasing.
Kinabukasan, inatasan ang participants na gawin ang parehong aktibidad. Ang nakakagulat, ang mga taong nalasing ang nakaalala ng mas maraming impormasyon.
“Our research not only showed that those who drank alcohol did better when repeating the word-learning task, but that this effect was stronger among those who drank more,” saad ni Prof. Celia Morgan, pangunahing mananaliksik.
“The theory is that the hippocampus — the brain area really important in memory — switches to ‘consolidating’ memories, transferring from short into longer-term memory,” paliwanag ni Morgan.
Habang halos lahat ng pag-aaral ay nagmumungkahi na hinaharangan ng alak ang impormasyon ng mga bagong alaala, na totoo sa lahat halos ng kaso, sinabi ng mga may-akda ng pag-aaral na ang pag-inom ng mas kakaunti, ay kabaligtaran ang epekto.
“The causes of this effect are not fully understood, but the leading explanation is that alcohol blocks the learning of new information and therefore the brain has more resources available to lay down other recently learned information into long-term memory,” pahayag ni Morgan sa Medical Xpress.
Gayunman, sa kabila ng mga positibong kaalaman, ayon sa mga mananaliksik ng University of Exeter, ang kanilang pag-aaral, na inilathala sa Scientific Reports, ay hindi dapat na mahigitan ang panganib na dulot ng labis na pag-inom ng alak.