MARAMING manonood ang nagulat sa Mulawin vs Ravena nang masaksak ni Siklab (Dion Ignacio) si Gabriel (Dennis Trillo).
Si Almiro (Derrick Monasterio) talaga ang pakay ni Siklab pero iniligtas siya ni Gabriel. Mabuti na lang at binigyan siya ni Sandawa (Regine Velasquez) ng berdeng binhi para gumaling.
Samantala, sa Instagram post nina Glaiza de Castro at Mikee Quintos ay marami na ang nagkokomento na excited na silang mapanood ang pagpasok ng dalawa bilang Pirena at Lira sa Avila. Nami-miss na raw kasi nila ang matatapang na Sang’gre.
Marami na ang excited sa muling pagbabalik ng Sang’gre, this time sa mundo ng mga Mulawin at Ravena.