Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Kumpiyansa ang Malacañang na lulusot sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kahit na halos pareho ang nilalaman ng bagong bersiyon sa binalangkas ng nakalipas na administrasyon.

Tinutulan ng nakaraang Kongreso ang ilang probisyon ng naunang bersiyon ng BBL, partikular na ang tendency nito na lumikha ng sub-state at bawasan ang kapangyarihan ng central government sa Bangsamoro.

Sinabi ni Presidential Spokesperson ErnestoAbella sa press briefing sa Palasyo kahapon ng umaga, na maaaring mahimok na ang Senado at Kamara na ipasa ang BBL dahil sa pagbabago ng mga pangyayari.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I believe circumstances have changed and the Congress understands the situation at hand on the ground and I believe they will concur,” ani Abella, na ang tinutukoy ay ang peace talks sa iba’t ibang armadong samahan ng mga Moro sa Mindanao.

Ang final draft ng BBL ay pormal na isinumite kay Pangulong Duterte ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) noong nakaraang linggo bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).