Ni: Vanne Elaine P. Terrazola

Matapos magpiyansa, nakalaya na ang walong aktibista na pawang inaresto sa pagpapahayag ng pagtutol sa martial law sa kasagsagan ng special joint session ng Kongreso noong Sabado.

Nakalabas na sa Quezon City Police District (QCPD) headquarters sa Camp Karingal sina Chad Booc, 23; Kenneth Cadiang, 23; Yasser Gutierrez, 23; Vhinzill Simon, 22; Michael Villanueva, 24; Almira Abril, 20; Renz Pasigpasigan, 19; at John Paul Rosos, 19, makaraang magpiyansa ng P16,000 para sa pansamantala nilang paglaya sa kasong “disturbance of legislative proceedings”.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?