Ni: Aaron Recuenco

Sugatan ang dalawang pulis sa panibagong pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Jiabong sa Samar, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat sa Camp Crame sa Quezon City, napag-alaman na sumabog ang bomba sa kalsada habang dumaraan ang sasakyan ng awtoridad sa Barangay Jiangan, dakong 12:30 ng madaling araw.

“Two policemen on board the police car were hurt,” saad sa ulat.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Nangyari ito dalawang araw matapos ang ikalawang State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, nang sinabi niyang hindi na siya interesado pang makipagnegosasyon sa mga rebeldeng komunista.