MGA pamosong breeder na sina Rey Briones, Dennis de Asis, Boy Velez, Benedict Granada, Nene Rojo, Atty. Jun Mendoza, Baby & Hermin Teves, Charlie Cruz, Raffy Yulo, Tony Yasay, Steve Debulgado, Doc Boy Tuazon, Nestor Vendivil, Cong Lawrence Wacnang, Nato Lacson & Sons, Gov. Gerryboy Espina, Jayson Garces at Coun. Mark Calixto ang ilan sa mga naunang nagpareserba ng kanilang slot upang lumaban sa parating na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby.

Bunsod nito, isang pagpapatunay na ito ang “tunay na laban ng mga master breeders”.

Nilagyan ng hangganan na 100 lamang ang tatanggapin sa bawat araw ng eliminasyon sa Setyembre 15, 16 o 17, patuloy na bumubuhos ang bilang ng mga handang lumaban, pati na ang mga dayuhan na sina Kenneth Carol ng Alabama at Peter Elm ng Guam.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Kailangan namin limitahan ang dami ng entry, hindi lang dahil sa available cockhouses, pero dahil komo ito ay isang sampung araw na labanan at dapat na matapos ang derby bago mag-hatinggabi every derby day para naman hindi masyadong mapuyat at mapagod ang mga kasali”, pahayag ng co-host na si Gerry Ramos.

Nakatakda sa Newport Performing Arts Theatre of Resorts World Manila sa Setyembre 15-24, ang kakaibang international stag derby na ito ay handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa pagtataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila, ang Master Breeders Edition ay tatanggapin ang mga stags na banded ng mga local associations sa ilalim ng Federation of International Gamefowl Breeders Associations (FIGBA) at nang Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan) Inc. (PFGB-Digmaan). Tanggap din ang mga stags na banded ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) subali’t yung nasa Young category lamang.

May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag International Derby ay may garantisadong premyo na P15 Million para sa entry fee na P88,000 at ang minimum bet naman ay P55,000. Ang handler ng kampiyon na entry ay mag-uuwi ng isang bagong Mitsubishi Strada mula sa Resorts World Manila.

Ang bawat kalahok ay tatanggap ng commemorative plate kaloob ng Thunderbird Platinum.

Ang 2-stag eliminations ay gaganapin sa Setyembre 15 (Group A), 16 (Group B) & 17 (Group C), samantalang ang 3-stag semis ay idaraos sa Sept. 18 (A), 19 (B) & 20 (C).

Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Set. 21 (A), 22 (B) & 23 (C).

Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.