BAGONG Pinay fighter, bagong pag-asa ng sambayanan sa ONE Championship.

Tatangkain ni Filipina newcomer Jomary Torres na maging impresibo ang debut sa premyadong MMA promotion sa Asya, sa pakikipagtuos kay Thai martial arts superstar Rika “Tinydoll” Ishige.

Bahagi ng undercard ang laban nina Tores at Ishige sa ONE: KINGS & CONQUERORS na nakatakda sa Agosto 5 sa pamosong Cotai Arena ng The Venetian Macao sa Macao, China.

Unang beses pa lamang nakatitikim ng panalo si Torres sa kanyang pro career, ngunit ito ang unang sabak niya sa ONE na inaasahan niyang magbibigay sa kanya nang mas maraming oportunidad para makilala sa sports.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“It’s my first time to compete in ONE Championship. I am honored and blessed to be in this top-notch organization, which is widely considered as the frontrunner of MMA in the region. Of course, I am aiming to get a big win. I’ve worked hard just to make it here. I won’t waste this opportunity,” pahayag ni Torres.

Isa sa inaasahang magdadala ng tagumpay sa Pilipinas si Torres na nagsanay at hinasa ang talento ni dating world champion Rene Catalan.

Sa local MMA promotion, naitala ni Torres ang panalo noong Agosto sa nakalipas na taon.

Laban sa veteran internationalist na si Ishige, kumpiyansa si Torres sa kanyang debut match sa ONE FC.

Bihasa ang 28-anyos na may dugong Thai at Japanese sa disiplina ng Aikido, Karate at Taekwondo.

Matagumpay ang huling dalawang laban ni Ishige kontra kina Audreylaura Boniface via first-round technical knockout nitong Marso at first-round submission win laban kay Nita Dea nitong Mayo.

“We are keenly studying my opponent for this fight. She is a true martial artist. It’s part of her lifestyle. It’s in her blood,” pahayag ni Torres, patungkol sa talento ni Ishige.

“I know what she is capable of doing inside the cage. She has a good Muay Thai base. Aside from that, she also has a good ground game. But I am coming into this bout very prepared. I am not giving myself any room for error,” aniya.

“My foundation is Wushu. I have no problem if she wants to fight standing up. I am already expecting that she will trade strikes with me. I can strike very hard too,” sambit ni Torres.