Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Rain or Shine vs NLEX

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

7 n.g. -- Globalport vs Phoenix

MAITULOY ang nasimulang winning run ang tatangkain ng NLEX at Phoenix sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

VANGUARDIA copy copy

Kapwa kumabig nang magkasunod na panalo, target ng Road Warriors at Fuel Masters ang ikatlong dikit sa pagsalang sa double header. Haharapin ng NLEX sa unang laban ganap na 4:15 ng hapon kontra Rain or Shine at mapapalaban ang Phoenix ganap na 7:00 ng gabi kontra Globalport.

Muling aasahan ni coach Ariel Vanguardia ang kanyang mga beterano upang sumuporta sa kanilang eksplosibong import na si Eugene Phelps gaya ng nakaraang 95-93 huling panalo nila kontra Alaska.

Ipaparada naman ng Batang Pier ang bagong import na si Murphy Holloway na ipinalit sa naunang import na si Jabril Trawick.

Inaasahang agad masusukat ang kapasidad ni Holloway lalo't makakatapat nito si Phelps na gamay na ang istilo ng laro ng mga Pinoy.

Babangon ang Batang Pier sa naunang kabiguan na nalasap sa kamay ng Rain or Shine na asam namang dugtungan ang nasabing unang tagumpay sa pagtutuos nila ng Road Warriors na determinadong bumawi sa mababang performance nila sa naunang dalawang conferences.