Ni: Leandro Alborote
MONCADA, Tarlac – Sinasabing dahil sa sobrang kalasingan kaya nadulas at nahulog sa ilog ang isang binata habang naglalakad sa gilid nito sa Barangay San Pedro, Moncada, Tarlac, nitong Lunes ng tanghali.
Kinilala ni PO1 Kenn Lester Lopez ang nalunod na si Denmark Gonzales, 20, ng Bgy. Sinense, Anao, Tarlac.
Nabatid na maraming nakakita sa pasuray-suray umanong paglalakad ni Gonzales sa gilid ng ilog hanggang aksidenteng nadulas ito, nahulog sa ilog, at nalunod.