Ni MERCY LEJARDE
MARAMI na namang pinakilig si Rocco Nacino nang mag-post ng video sa Instagram habang tumutugtog ng drums.
Kinilig ang fans niya at nag-request ng iba pang mga kanta na puwede niyang i-cover.
May mga nagtanong din kung anong kanta ang gusto niyang i-perform para sa leading lady niya sa Haplos na si Sanya Lopez.
Nabitin ang fans sa video, kaya ipinost din niya ang buong version nito sa kanyang Facebook page.
Samantala, nagsisimula nang makaramdam ng kakaiba si Sanya bilang Angela sa Haplos. Mukhang malapit na niyang matuklasan ang kapangyarihang minana niya sa kanyang Lola Biring (Celia Rodriguez). Paano makakaapekto sa kanya ang matutuklasang kapangyarihan? Tumutok lang sa Haplos tuwing hapon sa GMA-7, okidoki?