Ni: Aaron Recuenco

Sinibak na sa puwesto ang isang police sergeant at isang bagitong pulis matapos akusahan ng indiscriminate firing sa Tayuman, Maynila.

Ayon kay Director Oscar Albayalde, head ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang dalawang pulis—sina SPO2 Ryan Ymzon at PO1 Ramadas Mucas— ay restricted sa NCRPO headquarters sa Taguig City.

“They are restricted while their criminal charges and administrative charges are on-going,” ayon kay Albayalde.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang dalawang pulis ay nahaharap sa kasong physical injury, indiscriminate firing at alarm and scandal matapos manggulo sa isang videoke bar sa Tayuman nitong Lunes.

Nakatalaga ang dalawang pulis sa Special Weapons and Tactics ng Manila Police District.

“I have already instructed our investigation and detection division to hasten the investigation and sanction these police officers,” ani Albayalde.

“We do not tolerate this kind of behavior,” dagdag niya.

Aabot na sa 75 pulis ang sinibak sa puwesto ng NCRPO, habang 280 iba pa ang sinuspinde dahil sa magkakaibang paglabag.