Ni: PNA

NAPAG-ALAMAN ng dalawang mananaliksik sa Stanford University na ang American adults na naniniwalang hindi sila gaanong aktibo kumpara sa iba ay mas maagang namamatay kumpara sa mga naniniwalang mas aktibo sila, kahit na pareho lamang ang ginagawa nilang aktibidad.

Sinuri nina Alia Crum, assistant professor ng psychology; at Octavia Zahrt, doctoral candidate sa Graduate School of Business, ang isinagawang survey sa 60,000 adult mula sa tatlong national data set, kabilang ang pagsusuot ng mga kinatawan ng accelometer na sumukat sa kanilang mga aktibidad sa buong linggo. Ang ilang dokumentong nakalap mula sa survey ay kinapapalooban ng antas ng pisikal na aktibidad, kalusugan, at personal background.

Interesado ang dalawa sa isang partikular na tanong: “Would you say that you are physically more active, less active, or about as active as other persons your age?”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Binalikan nila ang mga record ng kamatayan simula 2011, na 21 taon na ang nakalipas mula nang gawin ang unang survey.

Batay sa pagkontrol sa pisikal na aktibidad at paggamit ng mga statistical model base sa edad, body mass index, malulubhang sakit, at iba pang mga kadahilanan, natukoy nila na ang mga indibiduwal na naniniwalang hindi sila kasing aktibo ng iba ay hanggang sa 71 porsiyentong mas mataas ang posibilidad na mamatay nang maaga kaysa mga indibiduwal na naniniwalang sila ay mas aktibo.

“Our findings fall in line with a growing body of research suggesting that our mindsets—in this case, beliefs about how much exercise we are getting relative to others—can play a crucial role in our health,” pahayag ni Crum.

Ang naunang pananaliksik ni Crum ay nagpapakita na ang mga benepisyong pangkalusugan na nakukuha ng mga tao sa araw-araw na gawain ay nakasalalay sa kanilang mga iniisip—iyon ay kung naniniwala man sila o hindi na sila ay nakakapag-ehersisyo nang sapat at tama.

Sa kanyang pag-aaral noong 2007, bumuo si Crum ng isang pangkat ng hotel attendants, at alam ng mga ito na kailangan ng trabaho ng mas mataas na antas ng pisikal na aktibidad. Sa pamamagitan ng pag-iisip na ito, ang mga manggagawa, na marami ay itinuturing ang kanilang sarili na hindi aktibo, ay nabawasan ng timbang, taba sa katawan at blood pressure, bukod sa iba pang positibong resulta.

“So much effort, notably in public health campaigns, is geared toward motivating people to change their behavior: eat healthier, exercise more and stress less,” saad ni Crum sa isang news release. “But an important variable is being left out of the equation: people’s mindsets about those healthy behaviors.”

“In the pursuit of health and longevity,” aniya, “it is important to adopt not only healthy behaviors, but also healthy thoughts.”