NOONG Pebrero, nag-tweet si Lana Del Rey ng kanyang suporta sa pagsali sa grupo ng mga mangkukulam upang kulamin si President Donald Trump. Inorganisa sa Facebook, ang spell ay para “i-bind” ang pangulo.
Ayon sa paliwanag sa description ng event, “this is not the equivalent of magically punching a Nazi; rather, it is ripping the bullhorn from his hands, smashing his phone so he can’t tweet, tying him up, and throwing him in a dark basement where he can’t hurt anyone.”
Nang tanungin tungkol sa spellcasting sa panayam ng NME kamakailan, sumagot si Lana ng, “Yeah, I did it. Why not?
Look, I do a lot of s***”.
Ang spell ay hinihikayat na gumamit ang kapwa mangkukulam ng kulay orange na kandila. Kung wala naman, “A baby carrot is an excellent substitution.”
Ipinaliwanag ni Lana ang kanyang pagkakasangkot na, “I’m in line with Yoko (Ono) and John (Lennon) and the belief that there’s a power to the vibration of a thought. Your thoughts are very powerful things and they become words, and words become actions, and actions lead to physical changes.”
Ngunit kung pagbabasehan ang mga balita kamakailan, kailangang ulitin ni Lana ang pangkukulam sa US president.