Ni: PEOPLE

INARESTO ang aktor at aktibistang si James Cromwell, 77, nitong Lunes nang pangunahan ang grupo ng PETA supporters sa isang staged protest sa kasagsagan ng Orca Encounter show ng Sea World San Diego, ayon sa statement mula sa animal rights organization.

James copy

“Orcas deserve a full life in the ocean, not a life sentence of swimming endless circles until they drop dead from disease,” pahayag ni Cromwell. “My friends at PETA and I want SeaWorld to move these intelligent animals to seaside sanctuaries without delay.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang live footage ng protesta ay naka-post sa facebook page ng PETA, na makikita ang dating Oscar-nominee na nagsasalita gamit ang megaphone sa harapan ng mga tao sa Sea World tungkol sa pang-aabuso umano ng amusement park sa naturang hayop. Makikita rin sa video ang paghampas ng isang manunuod sa megaphone na hawak ng aktor.

Nakita rin sa video na pinosasan at inaresto ng mga pulis si Cromwell kasama ang iba pang mga nagpoprotesta.

Nagpatuloy ang Orca Encounter show kahit may naganap na protesta.

Hindi ito ang unang pagkakaaresto sa Babeactor. Nakulong ng tatlong araw si Cromwell dahil sa kanyang isinagawang protesta noong 2015. Pinili niyang manatili sa loob ng kulungan kaysa magpiyansa ng $375 at magsagawa ng 16 oras na community service na hatol ng korte noong Hulyo 1.

Bago ito, sinabi ni Cromwell sa PEOPLE na nagpaplano na siya ng kanyang susunod na hakbang. “I can’t really talk about them, but as soon as I get out of jail, I’m going somewhere else to do another action,” pagbubunyag niya. “I don’t separate things in my life. Who I am is what I do — I act, I practice my craft and I also stand up for the things I believe in. That’s what we all have to do.”