Ni: Nitz Miralles
NAGSIMULA nang mag-taping nitong Lunes sa Mulawin vs Ravena sina Glaiza de Castro at Mikee Quintos na maggi-guest sa fantaserye bilang sina Pirena at Lira na karakter nila sa Encantadia. Kaya ang costume siyempre nila sa Encantadia ang suot ng dalawa.
Hindi pa sinabi kung kailan mapapanood sina Pirena at Lira, pero sa post ni Glaiza habang inaayusan at binabasa ang script sa taping, sabi niya, “Unang araw ng muling pagsabak ni Pirena sa labanan at kailangang maghanda.”
Excited na ang fans ni Glaiza at viewers ng Mulawin vs Ravena na muli siyang mapanood ng regular. Inaabangan kung alin ang kakampihan ni Pirena, ang mga Mulawin o ang mga Ravena.