NI: Yahoo Celebrity

NITONG nakaraang linggo, dinagsa ng fans ni Frank Ocean ang FYF Fest, nang mag-perform siya, sa Los Angeles. 

Kinanta ng Grammy-award winning artist ang kanyang paboritong awitin ni Stevie Wonderna Close to You na hinaluan ng kanta ng Jackson 5 na Never Can Say Goodbye.

Nagulat ang mga dumalo, nang walang introduksiyon ay ipinakita sa big screen si Brad Pitt, na may hawak na cellphone, habang kumakanta si Ocean. ‘Yun pala, nasa dulong bahagi ng stage ang Oscar-nominated actor at tila nakatanggap ng live call mula kay Ocean sa kasagsagan ng emosyonal na pagtatanghal.

Relasyon at Hiwalayan

'Okay na talaga!' Andi at Philmar, nag-bonding kasama ang mga anak

Ang aktor ay big fan ni Ocean. Matatandaan na noong Mayo, lumabas si Pitt sa GQ at sinabi ang malaking tulong na nagawa ng mga musika ni Ocean nang maghiwalay sila ni Angelina Jolie.

“I’ve been listening to a lot of Frank Ocean,” pag-amin ni Pitt. “I find this young man so special. Talk about getting to the raw truth. He’s painfully honest. He’s very, very special. I can’t find a bad one.”