NI: Roy C. Mabasa

Bilang suporta sa “Build, Build, Build” program ni Pangulong Duterte, inihayag ng pamahalaan ng China na makikiisa ito sa mga pangunahing infrastructure projects sa Pilipinas.

Sa pahayag kasunod ng bilateral meeting kasama si Filipino counterpart Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano nitong Martes, sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na nangako na ang China na magkakaloob ng tulong sa pagtatayo ng dalawang tulay sa Pasig River sa Maynila.

Ayon kay Wang, ang konstruksiyon ng mga tulay ay sisimulan sa katapusan ng Hulyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isiniwalat din niya na nagkasundo ang mga gobyerno ng Pilipinas at China sa iba pang proyekto, gaya ng South line ng North-South Railway Project na magbibigay ng maaasahang railway system sa pagitan ng Bicol at ng Maynila; ang New Centennial Water Source-Kaliwa Dam project; at ang Chico River pump irrigation project.

Bukod dito, isiniwalat din ng Chinese foreign ministry official na magkakaloob ang China ng 100,000 young Grouper (Lapu Lapu) sa mga mangingisda sa Palawan.

Ilan pa sa napag-usapan ay ang suporta sa Philippine rice farming, aquaculture at pagpoproseso ng aquatic products, aniya.