Ni: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Inaasahang sa susunod na taon ay mapakikinabangan na ng mga motorista ang bagong tulay na kinukumpleto sa Calumpang River sa Batangas City.

Pinangunahan nina Batangas City Rep. Marvey Mariño at Mayor Beverley Rose Dimacuha ang groundbreaking ceremony nitong Linggo sa Barangay Gulod, kung saan itatayo ang nasabing tulay.

Ayon kay Mariño, wala pang naiisip na ipangalan sa pangatlong tulay sa Calumpang River, kung saan una nang itinayo ang Calumpang Bridge at Bridge of Promise.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Saklaw ng pangatlong tulay ang Sitio Ferry sa Bgy. Kumintang patungo sa Bgy. Gulod Labac.

Nakakontrata sa Freyfil Corporation, ang tulay ay sinasabing superbox girder structure type, na kauna-unahan sa Pilipinas.