Ni: Bert de Guzman

MUKHANG determinado na ngayon si President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na wakasan ang pakikipag-usap ng kapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Pahayag ng galit na Pangulo: “Wala nang usapan. Bakbakan na tayo.” Sinabihan pa niya si Jose Ma. Sison, founder ng CPP at naging propesor niya, ng “Maybe I will kill you” dahil hindi niya nagustuhan ang pahayag nito na siya ay isang “bully” at parang nalasing sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Sa tindi ng galit ni PDU30 sa pananambang at pagpatay sa mga pulis na “pinakakairog” niya, nagbantang pagkatapos na malipol ang teroristang Maute-ISIS Group, ang isusunod niyang giyerahin ay ang NPA. Mula sa Davao City, sinabing sobra na raw ang ginagawa ng NPA kaya dapat simulang muli ng tropa ng gobyerno ang pakikipagbakbakan sa mga rebelde.

Anim na pulis, kabilang ang Chief of Police ng Guilhungan, Negros Oriental, ang napatay noong Biyernes. Dahil dito, lalong tumindi ang galit ni Mano Digong.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang mga napatay sa bagong karahasan ng NPA na waring hindi na kumikilala at sumusunod sa liderato ng CPP-NPA-NDF na pinangungunahan nina Joma Sison, Fidel Agcaoli, at ex-priest Luis Jalandoni, ay sina Guihulngan City police chief Supt. Arnel Arpon, SPO2 Mecasio Tabilon, SPO1 Jesael Acheta, PO2 Alvin Paul Bulandres, PO2 Alfredo Dunque, SPO2 Chavic Agosto at isang ‘di pa nakikilalang sibilyan. Lima pang pulis ang nasugatan, sina SPO4 Jerome Delara, PO2 Jorie Maribao, PO3 Jordan Balderas at dalawang iba pa.

Para kay Joma, ang Pangulo raw ay isang “buang” (sira-ulo) dahil sa pagkansela nito sa pakikipag-usap sa CPP-NPA-NDF.

Ganito ang pahayag ni Joma Sison mula sa The Netherlands: “It’s really hard to talk to the lunatic who takes pride in extrajudicial killings. There can be no peace negotiations if there is no armed struggle and no challenge in combat, especially if the other side is drunk with power and thinks he can just order revolutionaries to surrender.”

Mas matindi ang kasagutan ng machong Presidente sa ex-professor niya sa Lyceum of the Philippines. Dapat nga raw putulin na ang usapan sapagkat inaaksaya lang ng CPP ang panahon ng gobyerno. “The war that you are talking about has been here the last 50 years. Let’s renew it for another 50 years.”

Idinagdag ni PRRD na malamang kaysa hindi ay pareho na silang patay ni Joma sa sandaling nalutas (kung malulutas pa) ang problema ng komunismo sa ‘Pinas. Inulit ng Pangulo ang pahayag na si Sison ay may seryosong karamdaman. “He has trouble in his stomach and the Norwegian govt doesn’t want to pay the hospital. Hindi na siya magtatagal (Joma)”.

Tutol ang ilang US solons sa pag-iimbita ni US Pres. Donald Trump kay Pres. Rody upang dumalaw sa US at mag-usap sila sa White House. Hindi raw karapat-dapat na padalawin ang tulad ni PDU30 na akusado sa extrajudicial killings at human rights violations sa Pilipinas. Libu-libo na ang naitumba ni Gen. Bato at ng mga pulis na drug pushers/users. Ilan...

naman kaya ang naitumbang drug lords at suppliers?

Ang hindi marahil alam ng mga kongresistang Kano ay wala namang intensiyon si Pangulong Duterte na pumunta sa White House at “makipagkape” kay Mang Donald sapagkat asar na asar si Mang Rody sa Amerika mula nang magkomento si ex-US Pres. Barack Obama na gusto niyang alamin ang EJKs at HRVs kaugnay ng giyera ni Mano Digong sa illegal drugs.

Si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang pinakamahirap sa mga kasapi ng Korte Suprema. Si DAR Sec. Rafael Mariano naman ang pinakapobre sa gabinete ng Pangulo. At least si Leonen ay maliit na milyonaryo kumpara kay Mariano na ang assets ay mahigit lang sa P200,000. Tanong: “Karangalan pa ba ngayon ang tagurian bilang isang mahirap na tao gayong ang karamihang itinutumba ni Gen. Bato ay mahihirap na tao?”