Ni: Mina Navarro

Itinaas ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ayudang pangkabuhayan para sa mga napauwing overseas Filipino workers.

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inaprubahan ng OWWA Board ang P10,000 dagdag upang gawing P20,000 ang mas pinalawak na livelihood assistance o mas kilala bilang “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program para sa mga napauwing OFW.

“Ang programang ito ay tumutulong sa ating mga bagong bayani upang maibalik nila sa normal ang kanilang pamumuhay dito sa bansa habang naghahanap ng ibang paraan ng pagkakakitaan. Hinihikayat namin silang pasukin ang small and medium enterprises,” ani Bello.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'