NI: Nitz Miralles

MATITIGIL na ang espekulasyon kung babalik ba sa ABS-CBN si Ai-Ai delas Alas o mananatili sa GMA Network ‘pag nag-expire ang kontrata sa huli dahil nag-renew siya ng kontrata sa Kapuso Network nitong Lunes.

Ai Ai copy copy

Sa kanyang post sa Instagram, sabi ni Ai-Ai pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata: “PRAISE GOD. GOD IS GREAT AND GOOD... another 2 years sa Kapuso Network... salamat po at may work na naman ako... SALAMAT PO NG MARAMI... MR. FELIPE GOZON, MS LILYBETH RASONABLE, MS REGIE MAGNO AND MS GIGI LARA — TO GOD BE THE GLORY FOREVER AMEN.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Isa sa mga nag-comment sa pananatiling Kapuso ni Ai-Ai ay ang BFF niyang si Sharon Cuneta na nag-post ng, “Congrats my BFF (pero siempre may konting huhuhu di pa rin tayo magkasama...)! Happy that the Kapuso Network loves and takes care of you. I love you! And AMEN to that!”

Sumagot si Ai-Ai kay Sharon at sabi, “@reallysharoncuneta i love you bff and miss you... hayaan mo in GOD’S PERFECT TIME MAGKAKASAMA PA DIN TAYO MY DEAR BFF... for the meantime sa concert nalang muna and maybe movie.”

Maganda ang sagot ni Ai-Ai sa netizen na nag-comment na sa GMA siya sinuwerte sa career at love life. Maganda rin ang naging career niya sa ABS-CBN dahil doon siya nag-grow.

“Yes naman always grateful sa GMA ako for 9 years and sa kapamilya station 14 years and now kapuso ulit... malaki ang utang na loob ko sa kanila... at salamat sa DIYOS at binigyan at binibigyan pa din ako ng trabaho ng KAPUSO NETWORK at dati ng kapamilya... TO GOD BE THE GLORY.”

Sa ngayon, sa Sunday Pinasaya at Hay Bahay regular na napapanood si Ai-Ai, pero sabi niya, sa bagong kontrata sa GMA-7, muli siyang gagawa ng teleserye. May binanggit siyang new show with Vic Sotto na ang dating sa mga nakabasa, baka papalitan na ang Hay Bahay at sila pa rin ni Vic ang magkasama.

Kinumpirma ni Ai-Ai ang December wedding nila ng fiancé niyang si Gerald Sibayan at ang pagkakaroon ng wedding sa Amerika para sa relatives and friends na hindi makakarating sa kasal nila rito sa Pilipinas.