Ni: Fer Taboy

Dalawang motorcycle rider ang nasawi makaraang magkabangaan ang mga ito sa Barangay San Isidro, Talakag, Bukidnon, kahapon.

Sa imbestigasyon ng Talakag Municipal Police, nakilala ang mga biktimang sina Elmer Japos, 59, residente ng Bgy. San Antonio, Talakag; at Jim Valdehuesa, 32, ng Bgy. Carmen, Cagayan de Oro City.

Ginagamot naman sa Talakag Provincial Hospital ang mga nasugatan sa aksidente ang mag-inang Mary Rose Valdehuesa, at Kesha Valdehuesa, pitong taong gulang, na kalaunan ay inilipat sa Northern Mindanao Medical Center.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa salaysay ng mag-ina, nagkasalubong ang dalawang motorsiklo at sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon silang apat.

Halos mawasak naman ang nagkasalpukang motorsiklo.