Ni: Charina Clarisse L. Echaluce

Ngayong ipinatutupad na ang nationwide smoking ban, umaasa ang Department of Health (DoH) na mas maraming Pilipino ang tatawag sa smoking quit line.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na umaasa silang mas maraming nagyoyosi ang magtatangkang tumigil sa nakamamatay nilang bisyo dahil sa Executive Order (EO) No. 26, na naglilimita sa mga lugar na maaaring magsindi ng sigarilyo.

“We expect more calls in the DoH Quit Line after the implementation of smoking ban,” ani Ubial.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ilan sa mga lugar na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo ay ang mga lugar na maraming bata, gaya ng palaruan, eskuwelahan, at pasyalan para sa mga menor de edad; elevator at hagdanan; mga lugar na mayroong fire hazards; ospital at food preparation areas.

Sinabi ng DoH chief na nakatatanggap sila ng 20 tawag kada araw simula nang magsimula ang smoking ban.

Kamakailan lamang inilunsad ng health authorities ang DoH Quit Line: 165364, na maaaring tawagan ng mga smoker.

Kaugnay nito, ang mobile-based cessation ay maaaring i-avail sa pagte-text ng STOPSMOKE to (29290)165364.