Ni: Gilbert Espeña

TULAD ng inaasahan, natalo si Filipino Dexter Alimento kay South African Deejay Kriel para sa bakanteng WBC International minimumweight title kamakalawa ng gabi sa Emperors Palace sa Kempton Park, South Africa.

Walang bumagsak sa dalawang nagsagupa, ngunit sa karanasan ng mga boksingerong Pilipino sa South Africa, kailangang mapatulog ni Alimento si Kriel para manalo.

“The official scorecards from the all-South African panel of judges were 116-112 (twice) and 117-110 in favor of the 22-year-old Kriel,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “With the win, Deejay Kriel is likely to be included among the top 15 minimumweight fighters by the WBC in the division where the world champion is undefeated Chayaphon Moonsri (Wanheng Menayothin) of Thailand.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naging agresibo si Alimento sa kabuuan ng laban pero hindi talaga siya mananalo sa puntos sa South Africa na tulad ng Australia, Japan, Thailand at Russia ay tumanyag sa hometown decisions.

Napaganda ni Kriel ang kanyang rekord sa 12-1-1 na may 6 panalo sa knockouts, samantalang si Alimento na dating nakatala sa WBC rankings ay bumagsak sa 12-2-1 na may walong pagwawagi sa knockouts.