Ni: Liezle Basa Iñigo

SISON, Pangasinan – Nasawi ang isang pastor at isang lalaking umano’y may diperensiya sa pag-iisip makaraan silang mabangga ng isang Toyota FJ Cruiser sa Barangay Artacho sa Sison, Pangasinan, kahapon.

Kinilala ni Senior Insp. Mark Anthony Aningalan, hepe ng Sison Police, ang pastor na si Rainero Loquero, 54, taga-Bgy. Sagunto, Sison, Pangasinan, habang hindi pa nakikilala ang isa pang biktima.

Dakong 3:00 ng umaga kahapon nang mabangga ang dalawa ng Toyota FJ Cruiser (YQ-7300), na minamaneho ni Bernard Douglas Roales, 39, negosyante, ng Baguio City.

Dead on the spot ang pastor, habang hindi na umabot nang buhay sa Northern Luzon Adventist College Hospital (NLAC) sa Bgy. Artacho ang isa pang biktima.

Probinsya

12-anyos na sumilong dahil sa lakas ng ulan, patay nang mabagsakan ng puno!

Nakakulong na si Roales at kakasuhan ng dalawang bilang ng reckless imprudence resulting to homicide.