NI: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Patay ang isang 35-anyos na lalaki makaraang bistayin ng bala ng riding-in tandem criminals sa highway ng Barangay Cristo Rey sa Capas, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PO1 Ericson Bauzon ang biktimang si Joel Ignacio, may asawa, ng nasabing barangay, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa dibdib at sa iba pang parte ng katawan.

Sinabi ng pulisya na nangyari ang pamamaslang dakong 8:10 ng gabi habang bumibili ng fried itik si Ignacio sa Block 31 sa Bgy. Cristo Rey.
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog