NALAGASAN ng matikas na fighter ang Team Philippines sa ONE FC Championship nang maaksidente at bawian ng buhay si Pinoy MMA star Rocky Batolbatol nitong Linggo.

Batay sa paunang ulat, nabundol umano ng rumaragasang taxi ang Mindanao Ultimate Mixed Martial Arts at Bacolod-born Batolbatol kasama ang pinsan na si Geinar Ponce sa Gusa Highway.

Nakatakda sanang lumaban sa Sunoto at One: Conquest of Kings sa Surabaya, Indonesia nitong Sabado ang 32-anyos na si Batolbatol, ngunit kinasela ito isang linggo bago ang laban.

Naitala ni Batolbatol ang 5-3 professional record mula nang lumipat sa MMA. Huli siyang lumaban at natalo kay Christian Lee noong Mayo 2016.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala