JERUSALEM (Reuters) – Nagpasya ang Israel kahapon na alisin na ang mga ikinabit na metal detector sa isang banal na lugar sa Old City ng Jerusalem.

Ikinabit ng Israel ang metal detectors sa entry points patungong Al-Aqsa mosque compound sa Jerusalem matapos barilin ang dalawang pulis na napatay noong Hulyo 14,na nagbunsod ng madudugong sagupaan sa pagitan ng mga Israeli at Palestinian.

Ang pagkamatay ng tatlong Israeli at apat na Palestinian sa mga kaguluhan noong Biyernes at Sabado ang nagtulak sa United Nations Security Council para magpulong at maghanap ng mga paraan upang mapahupa ang sitwasyon.

Naglabas ng pahayag ang senior ministers ni Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos ang kanilang pagpupulong nitong Lunes. Nakasaad dito na nagpasya silang aksiyunan ang rekomensdasyon ng security bodies at palitan ang metal detectors ng “smart checking” means.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina