Ni DINDO M. BALARES

LARAWAN ng maligaya at kuntentong tao ang Dingdong Dantes na humarap sa ilang entertainment writers na dumalaw sa set ng Alyas Robin Hood sa Taytay, Rizal nitong nakaraang Sabado.

Agad pinuna na tila lalo yatang lumaki ang pangangatawan niya. Nagbubuhat (nagwo-workout) ba siya?

DINGDONG_paki-crop ang bandang paa copy copy

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Ang workout ko, kahahabol sa bata,” ang anak nila ni Marian Rivera na si Baby Zia ang tinutukoy ng aktor.

Nang bumalik si Marian sa regular taping ng bagong teleserye, si Dingdong ang tagapag-alaga ng kanilang unica hija, na ini-enjoy niya nang husto.

“Ako ang naiiwan sa bahay para mag-alaga, kaming dalawa lang. Marunong nang magyaya ng ‘play’... ‘let’s play’. Dati paisa-isa lang ang words, ngayon napagdudugtung-dugtong na niya ang mga salita.”

Mama ang tawag ni Zia kay Marian, at gusto naman ni Dingdong na Tagalog ang itawag nito sa kanya.

“Gusto ko Tagalog, tatay,” may himig-pagmamalaking sabi ng aktor.

Excited si Dingdong sa pagbabalik-ere ng Alyas Robin Hood.

Iniwan na ni Pepe ang pagiging astig at suwabeng vigilante dahil isa na siyang abogado. Pero kinidnap ang kanyang ina at kapatid kaya hindi maiiwasan ang pagbabalik niya sa dating buhay.

Bukod kay Jaclyn Jose na gumaganap bilang kanyang ina, makakasama uli ni Dingdong sa Alyas Robin Hood 2 si Andrea Torres, at ganoon din sina Paolo Contis, Gary Estrada, Rey PJ Abellana, Gio Alvarez, Dave Bornea, Lindsay de Vera, Rob Moya, Anne Garcia, Luri Vincent Nalus at ang new cast members na sina Solenn Heussaff at Ruru Madrid.

Magiging mahigpit niyang kalaban si Edu Manzano, mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.