LOS ANGELES (Reuters) – Sinabi ng natitirang mga miyembro ng Linkin Park nitong Lunes na nadurog ang kanilang puso sa pagpanaw ng kanilang frontman na si Chester Bennington ngunit ginunita na dahil sa mga problema ni Chester ay napamahal ang banda sa kanilang fans.

Linkin Park, mula kaliwa, Mike Shinoda, Rob Bourdon, Joe Hahn, Brad Delson, Dave Farrell at Chester Bennington copy

Sa unang pahayag ng banda simula nang magpakamatay si Chester sa bahay nito sa Southern California nitong nakaraang linggo, sinabi ng natitirang mga miyembro ng Linkin Park na hindi nila alam “what path our future may take.”

Kinansela ng alt-rock band noong Biyernes ang North American tour nila na nakatakda sanang magsisimula sa Hulyo 27.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Si Chester, 41, ay may history ng alcohol at drug abuse at depression at hindi inilihim ang mga hinarap na paghamon nang sumikat ang Linkin Park noong 2000 sa kanilang best-selling debut album na Hybrid Theory.

“Dear Chester, Our hearts are broken,” saad sa pahayag ng banda.

“Your absence leaves a void that can never be filled - a boisterous, funny, ambitious, creative, kind, generous voice in the room is missing. We’re trying to remind ourselves that the demons who took you away from us were always part of the deal. After all, it was the way you sang about those demons that made everyone fall in love with you in the first place. You fearlessly put them on display, and in doing so, brought us together and taught us to be more human,” ayon pa sa pahayag.

Inulila ni Chester, dalawang beses na ikinasal, ang kanyang anim na anak. Sinabi ng banda na na-appreciate ng asawa nitong si Talinda at ng kanyang pamilya ang pagmamahal at suportang ipinapakita ng mga tagahanga at iba pang musikero sa pagpanaw ni Chester.

Si Chester ang ikalawang American rock star na nagpakamatay nitong nakaraang dalawang buwan. Ang Soundgarden at Audioslave frontman na si Chris Cornell, 52, malapit na kaibigan ni Chester, ay nagbigti sa kanyang hotel room sa Detroit noong Mayo.