Ni: Cover Media

AYAW ni Charlize Theron na kaawaan siya ng mga tao nang mapatay ng kanyang ina ang kanyang lasenggong ama sa pagtatanggol sa sarili.

Nagsalita ang aktres, na nakita ang pagbaril ng inang si Gerda sa amang si Charles noong siya ay 15-anyos, tungkol sa madilim na kabanata ng kanyang buhay sa bagong panayam ng U.S. radio DJ na si Howard Stern.

Ginunita ang trahedya, inamin ni Charlize, 41, na sa loob ng maraming taon ay ginawa niya ang lahat ng makakaya upang maibaon sa limot nangyari.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I just pretended like it didn’t happen. I didn’t tell anybody,” aniya kay Stern. “I didn’t want to tell anybody.

Whenever anybody asked me, I said my dad died in a car accident. Who wants to tell that story? Nobody wants to tell that story.”

Hinarap lamang ni Charlize ang kanyang mga nararamdaman at humingi ng tulong noong siya ay nasa twenties na.

“I didn’t want to feel like a victim. I struggled with that for many years until I actually started therapy,” paliwanag ng bituin ng Atomic Blonde.

Kumonsulta si Charlize sa therapist, na tumulong sa kanya upang maunawaan ang unpredictable behaviour ng kanyang lasenggong ama at ang epekto nito sa kanyang buhay. At ngayon, tuwing babalikan niya ang insidente, ipinaalala nito sa aktres kung paano naging inspirasyon sa kanya ang ina.

“I have an incredible mother. She’s a huge inspiration in my life,” nakangiting sabi niya. “Her philosophy was, ‘This is horrible. Acknowledge that this is horrible. Now make a choice. Will this define you? Are you going to sink or are you going to swim?’”

Hindi naparusahan si Gerda sa pagbaril at pagkamatay ng asawa noong 1991, dahil napatunayang self-defense ang kanyang ginawa. Nangyari ang insidente nang takutin ni Charles ng baril ang pamilya noong sila ay nasa South Africa, bago ito binaril ni Gerda ng apat na beses.