Ni: Ali G. Macabalang

COTABATO CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang isang barangay chairman at pitong lalaki sa isang liblib na bayan sa Maguindanao dahil sa pag-iingat umano ng shabu at pampasabog, iniulat ng mga opisyal ng pulisya at militar kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Agustin Tello, Maguindanao Police Provincial Office director, nasa kustodiya nila si Datumama Bantuan Abdul, chairman ng Barangay Midconding sa Gen. Salipada K. Pendatun, at pitong lalaki, makaraang arestuhin nitong Sabado.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at sa pag-iingat ng mga fragmentation grenade at 40-millimeter explosive projectiles sa bahay ni Abdul, ayon kay Tello.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa mga report, ginagamit umano ni Abdul ang sariling bahay para magbenta ng shabu sa maliliit na dealer, na nabibilhan nang tingi sa malalayong komunidad.

Hindi pinangalanan ang pito pang suspek sa report na isinumite ni Tello.