Ni: Liezle Basa Iñigo

BANI, Pangasinan - Hindi sukat akalain ng limang bata na mauuwi sa pagkalunod ng isa sa kanila ang paliligo nila sa isang lawa malapit sa palayan sa Sitio Apalang, Barangay Luac, Bani, Pangasina.

Ayon kay SPO1 Lariben S. Opolencia, dakong 3:00 ng hapon nitong Linggo nang sumama si Lawrence Pizzaro, 9, Grade 4 pupil, sa kanyang lola patungo sa palayan nito.

Nang abala na ang lola at iba pang kasama sa taniman ay naisipan ni Pizzaro at ng apat pa niyang kalaro ang magtungo sa lawa.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Gayunman, napadpad sa malalim na bahagi ng lawa si Pizzaro hanggang sa malunod.