Ni: Nitz Miralles

LUMABAS na si Ayra Mariano sa Mulawin vs Ravena last Friday at ginagampanan ang role at karakter ni Selda, ang kaibigan ni Lawiswis (Bianca Umali) na nakatago at boses lang ang naririnig.

AYRA copy

Sa pagkatalo ng grupo ni Haring Daragit (Roi Vinzon), napalaya si Selda na matagal nakakulong.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

May impact agad ang karakter ni Ayra dahil nga boses lang ang naririnig for the longest time. ‘Tapos nang lumabas, iba ang hitsura sa normal na Mulawin dahil may ginawa sa kanya si Daragit. Magkaiba ang kulay ng mga mata ni Selda at tila may malaking peklat sa kanang noo.

Maikli ang unang labas ni Ayra at nag-request agad ang viewers ng Mulawin vs Ravena na sana ay magtagal ang karakter niya sa fantaserye at hindi lang basta guest. Naiintriga ang viewers kay Selda at sa gagawin ng kanyang karakter.

In fairness, puro primetime ang shows sa GMA-7 ni Ayra. Una siyag napanood sa Poor Señorita ni Regine Velasquez, nag-guest sa Meant To Be bilang si Nikki na ex-GF ni Yuan Lee (Ken Chan) at ngayon, kasama na sa Mulawin vs Ravena.

Tampok din sila ni Ken sa Magpakailanman last weekend dahil siguro nakitang bagay din sila nang lumabas sa Meant To Be. Hayun, may mga nagre-request na ng more projects with Ken.