NI: Jun Fabon
Ililipat ng National Housing Authority (NHA) ang 2,053 pamilyang informal settlers sa Quezon City sa San Francisco Del Monte, Bulacan.
Sa ulat ni Ms. Neri Subido ng Commercial and Industrial Estates department ng NHA, ang mga pamilyang ito ay dumaan sa matinding pagsusuri ng kanilang programa.
Aniya, sa mahigit 4,000 pamilyang informal settlers sa BIR Road at NIA Road ng lungsod, 2,053 ang naging kwalipikado sa relokasyon.
Sinabi ni Subido na ang bawat benepisyaryo ng relokasyon ay magkakaroon ng sariling bahay na 40 square meters ang lawak, at kanilang huhulugan ng P200 kada buwan sa loob ng 3 taon. Bibigyan sila ng suportang pinansiyal para makapagsimula ng bagong buhay sa kanilang bagong bahay.