Diana, Harry at William
Diana, Harry at William

IBINUNYAG nina Prince William at Prince Harry ng Britain na nakausap nila ang kanilang inang si Princess Diana ilang oras bago ito naaksidente at ang maikling pag-uusap na iyon ay naging napakabigat na isipin sa kanila.

“It was her speaking from Paris, I can’t really necessarily remember what I said but all I do remember is probably regretting for the rest of my life how short the phone call was,” sabi ni Prince Harry sa ITV para sa dokumentaryo sa paggunita sa kanilang ina.

Si Prince William ay 15 anyos lamang at ang kapatid niyang si Harry ay 12 nang mamatay ang kanilang ina at ang kasintahan nitong si Dodi Al-Fayed noong Agosto 1997 nang bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa isang tunnel sa central Paris habang hinahabol ng press photographers.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Namatay rin ang kanilang French chauffeur na si Henri Paul, na kalaunan ay natuklasang lasing nang maganap ang aksidente.

Noon ay nasa Balmoral, ang tirahan ng reyna sa Scottish Highlands, ang dalawang prinsipe at ayon kay William ay nagmamadali siyang ibinaba ang telepono para makapaglaro kasama ang kanilang mga pinsan, at sinabi kay Diana na sila ay “(having a) very good time”.

“Harry and I were in a desperate rush to say goodbye, you know ‘see you later’... if I’d known now obviously what was going to happen I wouldn’t have been so blase about it and everything else,” ani William sa ITV.

“But that phone call sticks in my mind, quite heavily.”

Para sa paggunita sa 20th anniversary ng pagkamatay ng kanilang ina, ipinahayag ng mga prinsipe nitong unang bahagi ng taon na bubuo sila ng komite na lilikom ng pondo para makapagpatayo ng rebulto ni Diana, kilala bilang Princess of Wales.

Itatayo ang istatwa sa public gardens ng Kensington Palace sa London, na naging tirahan ni Diana.

Ang dokumentaryo, pinamagatang Diana, Our mother: her Life and Legacy ay ipalalabas sa UK sa Lunes. (AFP)