ni Mary Ann Santiago

Habang abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipaglaban sa mga Islamic militants na kumukubkob sa Marawi at ang sunud-sunod na pag-atake ng mga rebeldeng komunista, muling nanawagan sa publiko si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na suportahan ang lider ng bansa.

Isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Duterte, sinabi ni Estrada na mas kailangan ngayon ng Pangulo ng suporta mula sa mga Pinoy.

“We have to be one. Let’s support the President and all his policies. As president of the republic, we must support him all the way,” ani Estrada. “Let’s leave it up to him.”

National

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ

“He needs the solid support of every Filipino,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Estrada, ginagawa ng Pangulo ang lahat ng kanyang makakaya upang maresolba ang krisis sa Marawi na pinalalala, aniya, ng sunud-sunod na opensiba ng New People’s Army (NPA).

“The more reason we have to rally behind the President,” diin ni Estrada. Tinukoy niya ang pananambang ng NPA sa Guihulngan City, Negros Occidental nitong Biyernes na kinamatay ng anim na pulis at isang sibilyan.

Sinabi ni Estrada na isa siya sa milyun-milyong Pilipino na sumusuporta sa kampanya ni Duterte laban sa terorismo at kriminalidad.