ni Mary Ann Santiago

Umaasa si anti-gambling crusader at retired Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nitong wawakasan ang problema sa ilegal na sugal, lalo na ang jueteng.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), at founder ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng, wala pa silang nakikitang ginagawa ang Pangulo laban sa illegal gambling.

“We’re waiting for him to fulfill his promise to end illegal gambling. It hasn’t begun, so to speak,” ani Cruz, sa panayam ng Radio Veritas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Naniniwala rin si Cruz na maaaring may kaugnayan ang sugal sa iba pang krimen tulad ng ilegal na droga, at may ilang opisyal ng pamahalaan na sangkot o nakikinabang dito. “I hope I’m wrong but it’s impossible for illegal gambling to flourish without the knowledge of officials,” aniya.