ni Marivic Awitan

HINDI pa halos lumilipas ang isang araw matapos ang unang laban sa ginaganap na season ending conference na Governors Cup, kaagad na nagdesisyon ang pamunuan ng Globalport na palitan nag kanilang import.

Murphy HollowayHindi nagustuhan ng Batang Pier ang ipinakitang laro ni Jabril Trawick kung kaya minabuti nilang palitan ito ng kanilang naunang choice na si Murphy Holloway.

Nauna rito,inamin ni coach Franz Pumaren na hindi na nila nagustuhan ang laro ni Trawick sa kanilang nakaraang tune-up game kontra Meralco kung kaya noon pa lamang ay nais na nila itong palitan. Dangan nga lamang at nahuli ng dating si Holloway kung kaya si Trawick pa rin ang pinalaro nila sa kanilang unang laban kontra Phoenix kung saan natalo sila sa iskor na 96-98 at umiskor lamang ng tatlong puntos at apat na rebound si Trawick.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang 27-anyos na si Holloway ay mula sa Immo, South Carolina at dating kakampi sa Hoya ni dating Talk N Text import Joshua Smith.