ni Bert de Guzman

Inaprubahan ng House Committee on Health ang panukalang batas na naglalayong palakasin ang polisiya ng bansa sa pagsugpo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan, iprinisinta ni La Union Rep. Pablo Ortega ang ulat ng technical working group (TWG) na pinamumunuan ni Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III, sa konsolidasyon ng mga panukalang palakasin ang “HIV/AIDS prevention, treatment, care and support.”

Nakasaad sa panukalang “Philippine HIV and AIDS Policy Act” na dapat sugpuin at huwag hayaan ng Estado na kumalat ang HIV/AIDS.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji