ni Mary Ann Santiago

Ang paghuli at pagpaparusa sa mga taong nasa sektor ng transportasyon na lumalabag sa Nationwide Smoking Ban ang isa sa magiging pinakamalaking hamon na nakikita ng Department of Health (DOH) kaugnay sa Executive Order 26, na naging epektibo na simula kahapon.

Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesman Dr. Eric Tayag, dapat na pag-aralang mabuti ng local government units (LGUs) kung paano nila huhulihin at mapapanagot ang mga nasa sektor ng transportayon na lumalabag sa batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Paliwanag ni Tayag, maaaring magkaroon ng ‘negosasyon’ sa pagitan ng hinuli at nang humuhuli.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

“Pinakamahirap po sa implementasyon ay yung kung paano huhulihin ang mga violators. Ayaw naman po naming pangunahan, pero pwede po kasing may negotiation na maganap,” ani Tayag.

Payo ni Tayag sa LGUs, maging maingat kung sino ang mga taong bibigyan ng kapangyarihang manghuli ng mga pasaway at pag-aaralan kung paano huhulihin ang mga ito.

Dapat rin aniyang may malinaw na tuntunin o ordinansa ang mga lokal na pamahalaan kung paano parurusahan ang mga lumabag.

“Let’s say, titikitan ba na parang kinumpiska ang lisensya o right then and there, sisingilin nila ng multa. Pero paano iintrega yun o ire-report ng nanghuli? May official receipt ba? Paano mo (LGUs) iko-collect yun?” ani Tayag.

“Yan ang pinakamahirap na hindi masasagot ng DOH. Dapat yung LGUs, pinag-iisipan yang mabuti,” aniya pa.