MINNEAPOLIS (AP) — Bago nakagawa ng pangalan sina Phil Jackson at Pat Riley sa Lakers, gayundin ang pagsikat nina Gregg Popovich at Larry Brown, at maging ang kapanahunan ni Red Auerbach, pinahanga ang basketball fans sa talino ni coach John Kundla.

JOHN_KUNDLA copy copy

Sa edad na 101, pumanaw si Kundla, ang Hall of Fame coach na nangansiwa sa Minneapolis Lakers sa limang NBA championships, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Ipinahayag ng kanyang anak na si Jim Kundla ang pagpanaw ng ama na sa living facility sa Northeast Minneapolis na kanyang naging tahanan sa mahabang panahon.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Sa pangunguna ni center George Mikan, nagawang gabayan ni Kundla ang Lakers sa 1949 championship sa BAA — kalauna’y naging NBA – bago namayani sa liga noong 1950 at 1952-54 season, para selyuhan ang maagang bansag sa Lakers bilang isang dynasty.

Bago ang pagpanaw, si Kundla ang pinakamatandang nabubuhay na Hall of Famer mula sa apat na major pro sports sa America.

Nailuklok si Kundla sa Hall of Fame noong 1995. Nauna rito, iniluklok siya bilang isa sa 10 greatest coaches sa NBA sa ika-50 taon ng pagdiriwang ng liga.

Kinuha siya ng Lakers sa edad na 31-anyos at nagretiro sa edad na 42 tangan ang career record na 423-302.

"John wasn't a screamer and was very mild-mannered, but he'd let loose when we deserved it, and usually I was the first one he bawled out," naipahayag ni Mikan sa panayam ng Sports Illustrated. "The message he sent was that no one on the team was above criticism."