Tiniyak kahapon ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LBP) ang lubos na suporta nito sa pagpapalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.

Ang naturang pagsuporta ay inihayag ni Atty. Edmund Abesamis, national president ng LBP, kasabay ng pagpapatibay ng isang resolusyon na kumakatig sa paninindigan ng Pangulo.

Sa naturang resolusyon na inaprubahan ng national executive committee ng LBP, binigyang-diin ang pagsuporta nito sa pagpapanatili ng katahimikan sa Mindanao sa pamamagitan ng paglipol sa terorismo.

Nagpahayag ng paniniwala ang LBP na sa pamamagitan ng pagpapalawig sa martial law, mahahadlangan ang paghahasik ng karahasan ng mga rebelde na sinusuportahan ng mga dayuhang terorista.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Idinugtong ni Abesamis na sinusuportahan din nila ang mga sundalo at mga pulis na nakikidigma sa mga terorista, lalo na sa Marawi City.

Inaprubahan nitong Sabado, sa special session ng Kongreso sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, ang limang buwang extension sa martial law sa Mindanao.