Ni Jerome Lagunzad

MATAPOS mabigo sa target na pedestal, higit na mas mabigat ang kampanya ng University of the East sa UAAP Season 80 men’s basketball bunsod nang pagkalagas ng mga beteranong player sa pangunguna ni star guard Bonbon Batiller.

Sa kabila nito, kumpiyansa si coach Derrick Pumaren sa magiging kampanya ng Red Warriors – pamumunuan ngayon ni sophomore Alvin Pasaol.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Almost half of the team is new. But so far, we’re right on the schedule. We’re doing well in our practices and the things that we are supposed to do, nakukuha ng mga bata,” pahayag ng beteranong pro league mentor.

Hindi na kinasiyahan ng suwerte ang Warriors, sa kabila ng pagkakaroon ng matikas na line-up sa katauhan nina Batiller, Renz Palma, Paul Varilla, RR De Leon, at Edgar Charcos. Nakagugulat ang pagiging kulelet ng bataan ni Pumaren.

“They players we have right now have a different attitude. They’re now starting to show that winning attitude,” sambit ni Pumaren, patungkol sa 6-foot-3 na si Pasaol, kasama ang holdovers na sina Philip Manalang, Mark Olayon at Clark Derige.

Mataas din ang kumpiyansa ni Pumaren sa bagong recruit na sina guard Chris Conner mula sa Guam at shooting guard Mark Maloles mula sa Manuel L. Quezon University.

Sa apat na taong pangangasiwa sa Warriors, si Pumaren ang pinakabeterano sa listahan nang mga coach na kinabibilangan nina Jamike Jarin ng National University at Far Eastern University’s Olsen Racela.

“All I’m worried about is my team making it to the next round,” aniya.

“I think we’re ready last year but we simply didn't make it (to the Final Four). Hopefully these guys will come through this time.”

Makakaharap ng UE Warriors sa unang salang sa torneo ang National U Bulldogs.