NANGIBABAW ang elite runners, gayundin ang ilang fun run enthusiasts sa ginanap na 1st PTT Run for Clean Energy kamakailan sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City.

Hataw si Cindy Lorenzo, beterano sa ilang major running events, sa women’s 10K category (40:10) kasunod ang mga beterano ring sina Melanie Bacale at Maricar Camacho.

Sa men’s category, nanguna si Rowell Garvero sa 10K challenge sa tyempong 33:05. Bumuntot sa kanya sina Emilio Aguinaldo College’s steeplechase athlete Junel Gobotia, at Philippine Army bet Jujet de Asis, galing sa impresibong pagtatapos sa Greatest Race on Earth sa Singapore.

Sa women’s 5K category, nagwagi ang beteranong si Aileen Tolentino sa tyempong 14:22 kasunod sina Maria Lyka Sarmiento at Far Eastern University’s Joida Gagnao. Nanaig naman sa men’s side sina Jhon Ojerio at Evelou Abutas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasungkit ni Nicko Cortes ang 3K for men (9:32) kasunod sina Norbert Cailao at veteran Carlito Fantillaga ng Department of Agrarian Reform. Sa women’s side, kampeon sina Richie Daka (12:29) kasunod sina Jonesa Gamay at De La Salle University’s triathlon team captain Gabriella Venturina.

Ang PTT Run for Clean Energy ay bahagi ng kampanya ng PTT Philippines para maisulong ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis at paggamit ng mga fuel na nadebelob sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya tulad ng Blue Innovation Gasoline at Diesel ng PTT na may mababang emission formula kung saan nalilinis ang mga makina ng mga sasakyan.

Inorganisa ng PTT Philippines, ang local subsidiary ng Thailand’s oil and gas giant PTT Public Company Limited, ang patakbo sa pakikipagtulungan ng Subterranean Ideas Entertainment at suportado ng PTT Lubricants, Café Amazon, Medicard Foundation, Inc., Leslie’s, Chris Sports, Milcu, National Capital Region Athletic Association, Maynilad, Business Mirror, Sportsmanila.net at Royal Thai Embassy Manila.