Ni REGGEE BONOAN

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Albert Martinez na pagkatapos umapir sa FPJ’s Ang Probinsyano at magbakasyon sa Amerika para makasama ang mga anak sa kasal ng isa sa mga ito na si Alyanna, kinuha naman siya para sa La Luna Sangre na agad ding naging top rater.

Nakasuot si Albert ng classic at agad nang nagiging iconic na attire ng mysterious character niyang si Professor Theodore Montemayor nang humarap sa dumalaw na media people sa set visit ng La Luna Sangre nitong Biyernes. Si Professor Theodore ang pinuno ng moonchasers na kinabibilangan ni Tristan (Daniel Padilla).

Albert 2 copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Bihira ‘yung ganitong kalaking project which I’m fortunate enough na nakasama ako sa iba (Ang Probinsyano), again, bihira kasi ang ganito kalaking project.

“To top it all, interesting ‘yung narrative nito at napaka-interesting din ng bawat takbo ng isang karakter. Kasi bawat karakter may kanya-kanyang hidden secret na puwedeng mag-unfold sa proseso ng istorya,” pahayag ng aktor.

Gustung-gusto ni Albert ang karakter ni Professor T dahil mag-iisip daw ang televiewers kung kakampi ba talaga o kaaway siya ng mga lobo o bampira o ng tao.

“Very mysterious siya, hindi mo alam kung black or white siya. Kaya rin ako nagkainteres sa character ko kasi hindi mo matimpla, hindi katulad ng iba na what you see is ‘yun na ‘yun. Ito, hindi, marami siyang layers na hindi mo maintindihan sa mga taong pinaliligiran niya and I have a great time in my character,” nakangiting kuwento ni Albert.

Limang taon na agad ang lumipas simula nu’ng makatrabaho ni Albert sina Daniel at Kathryn Bernardo sa Princess and I.

Masasabing ‘uhugin’ pa noon ang dalawang bagets sa pag-arte, pero ngayon ay humahalimaw na rin tulad ng mga papel nila bilang sina Tristan at Malia.

“It’s long overdue! Actually, nu’ng natapos ang Princess and I, na-miss ko ‘yung buong team ng serye na ‘yun and I’ve been longing na someday soon magkasama kami ulit. Actually, the production staff and most of the actors of Princess and I, nandito, so parang reunion namin ito.

“’Yung bonding namin sa Princess and I ay solid na, so parang nag-continue lang ngayon, mga anak ko na ‘yan. Sa Princess and I, baby pa sila, ngayon adult na sila pareho na nakakatuwa rin naman and they grew up to be very good people.”

Inamin ni Albert na isa rin sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang La Luna Sangre ay dahil gusto uli niyang makatrabaho ang KathNiel, bukod pa sa sinasabi nga niyang misteryosong karakter niya bilang si Professor T.

“’Yung character ko kasi rito, hindi ko pa nagawa kahit kailan kasi mysterious nga and yet may pagka-loose, so may comedy side siya because of his personality na what’ he’d been in life na malalaman sa future episodes kung bakit siya ganito. So, ‘yung part na ‘yun, very interesting for me,” paliwanag ni Albert.

Ipinagtapat din ni Albert na ang role niyang ito ang pinakamahirap sa mga nagawa niya sa kasaysayan ng karera niya.

“Wala akong inborn talent na magpatawa, so ginawa ko na lang is to be natural as possible and humanap ako ng magandang peg na puwede kong i-base.

“Kasi may mga ina-idolize akong not really comedian, pero magaling magbato ng lines na nakakatawa like si Harisson Ford ng Raiders of the Lost Ark, aktor sa The Mummy. Mga seryoso sila, pero alam nilang magbato sa audience ng nakakatawa, so ‘yun ang more or less na imbibe ko kung paano maging natural na hindi ka nakakatawa, pero matatawa ‘yung tao sa ‘yo na natural,”pagkukuwento ng aktor.

Ibang-iba sa dating characters ang itsura ni Albert sa La Luna Sangre dahil mahaba ang buhok at malago ang balbas na inamin niyang prosthetics na sakripisyo sa parte niya ang paglalagay dahil inaabot ng isang oras at kalahati.

“Puwede naman akong magpatubo ng balbas kung tutuusin, kaso matatagalan at saka hindi rin puwede kasi I have another teleserye to make at malinis naman ako ro’n,” katwiran ng aktor.

Napangiti si Albert sa tanong ni Bossing DMB kung may leading lady siya sa La Luna Sangre bago sumagot ng, “we’ll get there, basta ang character ko rito ay may prosesong dadaanan.”

At dahil nga masyadong misteryoso ang karakter ni Albert, inalam ni Bossing DMB ang profile ni Prof. T, kung Pinoy ito o may ibang lahi.

“Ang profile ng character ko dito is over-achiever to begin with, he studied probably in Harvard and became one of the scientists ng Pennsylvania State University at natuon ‘yung atensiyon niya sa biological composition ng bampira.

Hindi ko ikukuwento kung bakit... kaya may backstory ‘yan.

“So ‘yung buong buhay niya, itinuon niya sa pag-aaral tungkol sa bampira, how to deal with them, probably cure them, ‘yun ang mundong iniikutan niya. So may back story na malalim ito kaya mysterious ‘yung character niya. So we’ll reveal that in the future,” paglalarawan ni Albert.

Sa nakaraang episode ng LLS ay may silhoutte ng babae na hindi pa ini-reveal kung sino kaya tinanong si Albert kung may koneksiyon ito sa kanya at um-oo naman siya.

“Hindi pa puwedeng i-reveal kung ano ang koneksiyon niya kay Professor T, pero masa-shock ang lahat at kung sino ‘yun,” pakli ng aktor.

Sa madaling sabi, may bagong karakter uli na papasok sa La Luna Sangre na posibleng sikat ding artista.

Samantala, rebelasyon ang kuwento ni Albert na hindi dapat si Professor T ang papel niya kundi ang karakter ni Tonio (Romnick Sarmenta) na tatay ni Tristan, pero hindi siya natuloy dahil may iba pang serye siyang sinu-shoot kaya hindi nag-match ang schedule niya sa LLS.

“Hanggang sa nakalimutan ko na ‘yun (alok ng LLS), hanggang sa week one and week two ng La Luna, nag-change sila ng strategy na mag-focus against the conquest of the vampire that’s why na-create ‘yung character ni Professor T,” pag-amin ng aktor.

Dahil sa Moonchasers na grupo ni Albert, tiyak na mag-i-enjoy daw ang lahat ng mahilig sa action dahil puro ganito ang gagawin nila sa pakikipaglaban nila sa mga bampira.

“Pangtapat sa bampira, kung may army silang mga bampira, ito naman ang army ng humans, the moonchasers,” sambit ni Albert.

Hirit ni Bossing DMB, immortal ba ang character ni Albert?

“Let’s just move forward, marami pang maa-unfold, ayoko namang maging spoiler,” aniya.

Hmmm, nagkaroon tuloy kami ng teorya na posibleng immortal o dating bampira si Albert at nagamot lang niya ang sarili niya base na rin sa mga pahayag niya na kaya itinuon niya ang buong buhay niya sa pag-aaral at pananaliksik tungkol sa mga bampira. Dahil nga sa mga napagdaanan niya kaya kabisado niya kung paano makikipag-interact sa kanila at posibleng gamutin din, ano sa palagay mo, Bossing DMB?

(‘Di kaya siya si Dracula na nagamot nga ang sarili? --DMB)

Lalo na kung ibabatay sa sagot ni Albert na kaya skilled siya sa action ay, “Malalaman in the future kung bakit skilled ako at ‘yung kilos ko, eh, para akong sila (bampira).” Bukod pa sa may iniinom pa si Professor T na ayaw niyang sabihin kung ano, sabi lang niya, “It’s part of the mystery.”

May nakahoy din kami sa natawang sagot ni Albert nang tanungin kung magkakilala ba sila ni Sandrino (Richard Gutierrez) na pinuno ng mga bampira, na, “Kapag sinagot ko ‘yan, ikukuwento ko na ang buong istorya.”

Hmmm, hindi kaya kaanak siya ni Sandrino?

Malapit ba ang karakter ni Professor T sa pagkatao ni Albert?

“Zero,” kaagad niyang sagot.

O, di ba, kailangan pa bang i-memorize ‘yan, Bossing DMB?

(Mysterious na tao rin si Albert, pero saka na natin ito talakayin. --DMB)