Ni: Fer Taboy

Sugatan ang limang katao matapos sumabog ang isang granada, na inihagis ng hindi nakilalang suspek, sa Barangay General Antonio Luna sa Carmen, North Cotabato.

Kinilala ni Chief Insp. Julius Malcontento, hepe ng Carmen Municipal Police, ang mga biktimang sina David Orteza, 50; Joel Aragon; Henry Nobleza, 54; Darwin Ortiz, 15, isang special child, pawang ng Bgy. Gen. A. Luna; at Armando Aquino, 51, ng Bgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato.

Sinabi ni Chief Insp. Malcontento na kasama ni Renato Ortiz, Jr., chairman ng Bgy. Gen. A. Luna, sa hapunan ang mga biktima dakong 6:45 ng gabi, sa loob ng kubo sa tabi ng highway, nang biglang may naghagis ng granada at sumabog ito.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Sinisilip ngayon ng pulisya ang alitan sa lupa na posibleng dahilan ng pagpapasabog.

Kaagad namang nakatakas ang suspek matapos ihagis ang granada.

Tatlo sa mga biktima ang nakalabas kaagad ng ospital, habang dalawa pa ang ginagamot sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.